Nagpaabot ng tulong ang Iloilo City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa mga pamilyang apektado sa nangyaring sunog nito lamang Linggo, Pebrero 18, 2024 sa Barangay San Nicolas, La Paz, Iloilo City.
Nagkaloob ng bigas, assorted na de lata, hygiene kit, sleeping kit, at kitchen kit sa mga nasunugan ng bahay.
Tinatayang umabot sa pitong mga bahay ang nasunog, lima sa mga ito ay “totally damaged”, samantala dalawa naman ang “partially damaged.”
Sa ngayon, labing-isang pamilya o mahigit sa 150 katao ang naapektuhan ng nasabing residential fire at pansamantalang namamalagi ang mga nasunugan sa Graciano Lopez Jaena Elementary School.
Ang agarang tulong na hatid ng local na pamahalaaan ng Iloilo City ay alinsunod sa kagustuhan ng ating Pangulong Ferdinand R Marcos, Jr na makakatulong sa bawat pamilya sa kanilang pansamantalang pangangailangan sa anumang trahedya na darating.
Source: Radyo Pilipinas Iloilo