Friday, November 8, 2024

HomeNewsPBBM, inutusan ang PCG, BFAR na bantayan ang WPS

PBBM, inutusan ang PCG, BFAR na bantayan ang WPS

Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Philippine Coast Guard (PCG) at the Bureau of Aquatic Resources (BFAR) na panatilihin ang kanilang presensya sa West Philippine Sea (WPS) dahil sa patuloy na presensya ng China sa nasabing lugar.

Ayon kay Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng PCG para sa WPS, iniutos ng Pangulo na ipagpatuloy ang deployment sa Bajo de Masinloc, alinsunod sa kampanya ng administrasyon na “Bagong Pilipinas.”

“Batid namin na ang “Bajo de Masinloc” ay isang tradisyunal na lugar ng pangisdaan para sa mga Pilipino lalo na ang ating mga kababayan sa Zambales, sa Pangasinan at sa iba’t ibang bahagi dito sa coastal area ng Northern Luzon,” ani Tarriela.

“Dahil dito, ito na ang gabay ng ating Pangulo na magkaroon ng wastong pag-deploy sa pagitan ng Philippine Coast Guard at ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources upang panatilihin ang ating presensya sa Bajo de Masinloc,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Tarriela, patuloy ang pagpapanatili ng PCG ng kanilang presensya sa Philippine waters mula Pebrero 1 hanggang 9, habang nag-deploy naman ang BFAR ng kanilang mga tauhan pagkatapos ng kanilang shift sa pag-conduct ng rotational deployment.

Bukod pa rito ay nagdeploy din ang BFAR ng kanilang BRP Datu Tamblot o ang MMOV-3005; Cessna Caravan, ang RP-1077; ang Cessna 208-B; at ang mga eroplano nito na nagmula sa Clark, Pampanga.

“Kaya’t sinundan siya at mula noon, hindi na siya binitawan. Ang buong presensya ng barko ng BFAR dito ay patuloy na sinusundan ng barko ng China Coast Guard partikular na ang China Coast Guard 3105,” aniya.

Siniguro naman ni Tarriela na pananatilihin ng PCG at ng BFAR ang kanilang presensya sa WPS.

Source: https://pco.gov.ph/news_releases/pbbm-orders-pcg-bfar-to-maintain-ph-presence-in-wps/

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe