Nadiskubre ng mga tauhan ng 8th Infantry Division, Philippine Army ang dalawang lugar kung saan itinago ang malalaking kalibre ng armas at Anti-Personnel Mines (APM) sa lalawigan ng Samar at Northern Samar.
Dati nang natuklasan ng 74th Infantry Battalion ang dalawang APM sa Sitio Canmolo, Barangay Siljagon, Mapanas, Northern Samar sa tulong ng isang dating miyembro ng NPA na kung saan tinuro niya ang mga lokasyon nito.
Nadiskubre naman ng tropa ng 43rd Infantry Battalion ang isang M16 rifle, M653 rifle, dalawang M14 rifles, isang M79 Grenade Launcher at mga bala at magasin sa Barangay Cagmanipis, Tinambacan District, Calbayog City.
Ang pagkakatuklas ng parehong armas ay iniulat ni alyas “Doming”, isang dating NPA na nahuli sa isang engkwentro sa Barangay Palani, San Isidro, Northern Samar.
Samantala, sinabi ni 8th Infantry Division Commander, Major General Camilo Z. Ligayo, na patuloy na lumalaban ang ating mga kasundaluhan para sa pagtuligsa ng local communist armed conflict sa Eastern Visayas.
“Your army will never cease in hunting down the remaining CNTs in pursuit of achieving socio-economic development in Eastern Visayas. This will only be achieved through peace and unity,” ani Major General Ligayo nitong Martes, Pebrero 6, 2024.