Friday, November 29, 2024

HomeNewsTertiary Students, nangangailangan ng mas maraming Facility ayon sa CHED

Tertiary Students, nangangailangan ng mas maraming Facility ayon sa CHED

Binanggit ni Commission on Higher Education (CHED) Chairman J. Prospero de Vera III nitong Biyernes ang mga bentahe kung ititigil ng mga State Universities and Colleges (SUCs) at local universities and colleges (LUCs) ang pag-enroll ng mga Senior High School (SHS) students sa kanilang mga kampus.

Sa kanyang pagbisita sa Samar State University (SSU), sinabi ni De Vera na dumarami ang enrollment sa mga tertiary schools at kailangan nila ng mas maraming learning facility.

“More students have been enrolling in college every year due to the scholarship program. Our SUCs and LUCs need more classrooms and teachers. Facilities used by SHS students can be used by college students,” aniya.

Ang hakbang ayon sa opisyal, ay hindi na bago dahil ilang mga tertiary schools ang nagbawas ng kanilang enrollment sa SHS bago pa man ang pandemic.

“There are many SUCs that have stopped offering their SHS as early as 2018. Some college schools never offered SHS programs and never heard any complaints,” dagdag pa niya.

Nabanggit ni De Vera na mula sa 32 porsiyento noong nakaraan, ang bilang ng mga kalahok na nasa unibersidad ay tumaas sa 41 porsiyento noong 2023.

“It’s time for our SUCs to invest in technology for implementing distance learning to deliver learning online to more learners,” dagdag niya.

Ang memorandum sa paghinto ng programa ng SHS sa mga SUC at LUC noong Disyembre 18, 2023 ay hindi biglaan, sabi ni De Vera, at idinagdag na ang Academic Year 2023–2024 ay nagpapatuloy pa rin, at walang displacement ng mga estudyante ang naganap.

“There is no more legal basis for SUCs and LUCs to have senior high schools, except for those having laboratory schools for their education (degree) students. They need additional facilities because of the increased enrollment in SUCs,” sabi pa niya.

Nasa Samar si De Vera mula Pebrero 1 hanggang 3 para sa isang serye ng mga kaganapan, kabilang ang isang dayalogo sa mga estudyante at empleyado ng SSU, isang campus tour, at ang induction ng isang bagong set ng Philippine Association of State Universities and Colleges Region 8 (Eastern Visayas) officers.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe