Sinampahan na ng kasong murder ang pitong lalaking pumatay sa tatlong pulis sa Brgy. Mahayag, Sta Margarita, Samar.
Arestado ang pitong suspek matapos ang engkwentro sa pagitan ng pulisya at Ampoan Criminal Group na sisilbihan sana ng warrant of arrest ng mga awtoridad noong Lunes, Enero 29.
Nakatakas naman ang tatlo habang naaresto naman ng pitong iba pa na ayon sa PNP ay mga gun-for-hire at nagbebenta ng armas ang nasabing grupo.
Nagpahayag parin ang ilang residente sa barangay na hindi nila alam na may grupo ng mga kriminal sa kanilang lugar.
Bukod sa tatlong nasawi, apat pang pulis ang nasugatan sa insidente.
Patuloy na tinutugis ng tropa ng gobyerno ang mga nakatakas na suspek.