Isang ginang ang inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) Central Visayas dahil sa umano’y pagpapadala ng mga larawan at video ng kanyang mga anak na hubo’t hubad sa kanyang mga dayuhang kliyente sa pamamagitan ng Internet kapalit ng pera.
Ang suspek na si Nelsie (tunay na pangalan ay itinago para protektahan ang mga bata), ay residente ng bayan ng Pinamungajan, Cebu.
Siya ay inaresto kasunod ng reklamo mula sa United States Homeland Security Investigation Office tungkol sa kanyang mga maling gawain.
Ayon sa Homeland Under-Cover Agent (UCA) noong Enero 18, 2024 na ang mga hubad na larawan ng walong taong gulang na anak na babae ni Nelsie ay ibinebenta sa kanyang mga customer sa ibang bansa.
Pahayag ng NBI 7 noong Biyernes, Pebrero 2, 2024, na humiling umano si Nelsie ng P2,000 para pambayad sa singil sa kuryente ng kanyang bahay. Kapalit nito, nag-initiate siyang mag-alok ng video ng kanyang menor de edad na anak habang naliligo habang nakaharap sa tila isang mobile phone camera.
Dagdag pa, nalantad sa kuhang video ang hubad na katawan ng bata at tila tinuturuan ng Nelsie ang anak na gumawa ng mga provocative na pose na nasa saklaw ng child pornography o CSAEM (Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials).
Noong Pebrero 1, 2024, magkatuwang na isinagawa ng NBI at Department of Social Welfare and Development-Central Visayas (DSWD 7) ang operasyon para iligtas ang dalawang anak ni Nelsie, walo at 12 taong gulang, gayundin ang kanyang 15-anyos na pamangkin. Sa panahong iyon, nakuha nila ang isang TP-Link router at dalawang Android cellphone.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 11930 o ang “Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children and Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials Act.”