Tatlong pulis ang nasawi at apat sa kanilang mga kasamahan ang sugatan sa engkwento nito lamang Martes sa pagitan ng armadong grupong kriminal at mga operatiba na naghahain ng Warrant of Arrest sa Santa Margarita, Samar.
Ang mga inisyal na ulat na nakarating sa tanggapan ng Philippine National Police (PNP) Eastern Visayas ay ayon sa mga tauhan ng 1st Samar Provincial Mobile Force Company (SPMFC) at Regional Mobile Force Battalion 8 (RMFB) ay nagtungo sa liblib na barangay ng Mahayag nang madaling araw upang arestuhin ang pinuno at mga miyembro ng Ampoan Criminal Gang.
Ang mga suspek na sina Edito Ampoan, Jr., lider ng gang, at ang mga kasapi ng gang na sina Jojo Altarejos at Rogelio Macorol ay may kasong Murder.
“Operating units were engaged in a firefight against the abovementioned suspects during the implementation of the warrant of arrest,” ayon sa Police Regional Office 8.
Napatay sa engkuwentro sina Staff Sgt. Christian Tallo at Corporal Eliazar Estrelles Jr. ng 1st Samar PMFC; at M/Sgt. Paul Terence Paclibar ng RFMB.
Sugatan naman sina Corporal Rannel Pedamato, Corporal Mark Jason Sixta, Patrolman Ham Kritnere Capalis at Patrolman Mark Redoblado.
Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakaaresto sa apat na hindi pa pinapangalanag mga suspek at narekober ang isang M-16 rifle, caliber .45 pistol, at ilang mga bala.
“The PNP directed the Northern Samar Police Provincial Office and RMFB 8 to provide additional platoons for deployment and augmentation. Hot pursuit operation is being conducted against the other suspects,” dagdag ng PNP PRO 8.