Friday, November 8, 2024

HomeNewsTruck ban ipatutupad sa bayan ng Carmen para sa Sinulog sa Carmen

Truck ban ipatutupad sa bayan ng Carmen para sa Sinulog sa Carmen

Naglabas si Cebu Governor Gwendolyn Garcia ng memorandum para sa pagpapatupad ng truck ban sa bayan ng Carmen para bigyang-daan ang pagdiriwang ng ika-51 taon ng Sinulog sa Enero 28, 2024.

Batay sa inilabas na memorandum ng gobernador, bawal pumasok sa munisipyo ang mga trak na may anim na gulong o higit pa.

Magsisimula ang truck ban sa Enero 28 at magtatapos sa Enero 29 o Lunes sa mga hangganan ng bayan ng Carmen.

Sa Linggo, Enero 28, magkakaroon ng street dancing competition, prusisyon, at grand ritual showdown sa gabi.

Kabilang sa mga contingents sa local category ang Tribu Reglas, Tribu San Roque, Tribu Bagho Cultural Troupe, Tribu Luyangnon, Pundok sa Nagkhaisang Cortehanon, Tribu Ipilacion, at Tribu Panaghiasa.

Habang ang mga contingent sa open category ay ang Kabkaban Festival mula sa Carcar City at Tribu Mabolokon, Tribu Masadyaong Subanian, Banauan Cultural Group, Tribu Aktibong Binalihanon, Tribu Banay San Nicolasnon, Banay Labangon, at Lumad Basakanon, pawang mula sa Cebu City.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe