Saturday, November 9, 2024

HomeNewsKapulisan ng Central Visayas, naghahanda na para sa Sinulog sa Carmen

Kapulisan ng Central Visayas, naghahanda na para sa Sinulog sa Carmen

Kasunod ng pagtatapos ng Sinulog Festival sa Cebu City, muling naghahanda ang Police Regional Office Central Visayas (PRO 7) para magbigay ng seguridad sa Sinulog sa Carmen sa bayan ng Carmen sa Cebu sa Enero 28, na suportado ng Pamahalaang Panlalawigan.

Ayon sa tagapagsalita ng PRO 7 na si Police Lieutenant Colonel Gerard Ace Pelare, maghahatid ang kapulisan ng parehong antas ng proteksyon para sa Sinulog sa Carmen gaya ng ginawa sa Sinulog grand parade na ginanap noong Linggo, Enero 21, sa South Road Properties sa Cebu City.

Upang matiyak na matutugunan ang lahat ng kanilang pangangailangan, partikular ang may kinalaman sa seguridad, sinimulan na ng PRO 7 ang kanilang threat assessment at nag-ayos ng security conference kasama ang Cebu Police Provincial Office.

“The instruction of our regional director that Police Regional Office 7 will uphold the same level of security preparation diha sa Sinulog sa Carmen sama sa atung gibuhat sa Sinulog 2024. We have already started our threat assessment our conferences and meetings para ma make sure gyud nga ang tanang security issues will be covered in our security coverage,” pahayag ni Pelare.

Si Police Brigadier General Anthony A Aberin, Regional Director ng PRO 7, ang mangangasiwa sa pag-inspeksyon sa venue ng Sinulog sa Carmen para alamin ang bilang ng mga pulis na kailangang i-deploy katulad ng selebrasyon noong nakaraang taon.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe