Saturday, November 9, 2024

HomeNewsHigit sa 100 Cell Sites, itatayo sa Northern Samar

Higit sa 100 Cell Sites, itatayo sa Northern Samar

Isang digital shared infrastructure provider ang magtatayo ng mahigit 100 common cell sites sa Northern Samar ngayong taon para palakasin ang connectivity sa lalawigan, ito ay inihayag ng lokal na pamahalaan nitong Huwebes, Enero 25, 2024.

Ang mga opisyal mula sa PhilTower Consortium Inc. (PhilTower), ang nangungunang digital shared infrastructure provider ng bansa, ay nakipagpulong kay Northern Samar Governor Edwin Ongchuan noong Miyerkules upang talakayin ang nakaplanong pakikipagtulungan sa pagtatayo ng mga cell site para sa paggamit ng maraming mobile operator.

“We are grateful to PhilTower for considering an investment in Northern Samar, and we acknowledge the invaluable assistance of the Board of Investments in facilitating the venture,” sabi ni Ongchuan sa isang pahayag.

Sa ilalim ng common tower policy nito, sinabi ng PhilTower na ang passive na infrastructure tulad ng mga cell site tower ay maaaring maghawak ng mga kagamitan mula sa iba’t ibang operator na binabawasan ang capital expenditure habang pinapabilis nito ang network rollout, at tinitiyak ang mas mahusay at accessible na mga serbisyo para sa mas maraming tao.

Binigyang-diin ni Kalvin Laurence Antonio Parpan, Director for external affairs at PhilTower, “underscored the company’s unwavering dedication to the government’s vision of establishing a world-class digital infrastructure nationwide”.

Sa darating na Marso, isang team mula sa PhilTower ang magsasagawa ng ocular inspection sa lalawigan, na makikipagtulungan sa mga local planning and development coordinators upang matukoy ang mga angkop na lokasyon ng tower na nakahanay sa mga plano.

Ang kumpanya ay naglalayon na magtayo ng 8,023 tailor-made tower sa mga lugar na kulang sa serbisyo at hindi naseserbisyuhan sa buong Pilipinas.

“Establishing digital infrastructure in these areas will improve telecommunications services, create better livelihood opportunities, enhance access to government online services, and contribute to poverty eradication, ultimately addressing the root causes of insurgency,” dagdag ni Ongchuan.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe