Saturday, November 30, 2024

HomeNewsHindi bababa sa 49 na Doktor ang naglilingkod sa Rural Areas ng...

Hindi bababa sa 49 na Doktor ang naglilingkod sa Rural Areas ng Eastern Visayas

Hindi bababa sa 49 na medikal na doktor ang nagsisilbi sa Eastern Visayas sa ilalim ng Doctors to the Barrios (DTTB) program ng Department of Health (DOH) para palakasin ang serbisyong pangkalusugan sa mga rural areas.

Ayon kay Jelyn Lopez-Malibago, DOH Regional Information Officer, karamihan sa kanila ay mga medical scholars’ ng gobyerno na pumirma ng kontrata para magsilbi sa mahihirap na komunidad sa loob ng tatlong taon.

“The DOH deploys these doctors as requested by the local government units. Their request is forwarded to the central office. The area for deployment is prioritized based on the following criteria: doctorless municipality, income class, and population,” ayon kay Jelyn Lopez-Malibago.

Ang pinakahuling deployment nitong Enero 18, 2024 ay nasa 15 na mga Medical Doctor sa mga bayan ng Guiuan at Dolores sa Eastern Samar; Tolosa, Merida, Tunga, at Abuyog sa Leyte; San Roque at Laoang sa Northern Samar; Matuguinao, Villareal, at Sto. Niño, Calbiga, at Pagsanghan sa Samar; at Hinunangan at Hinundayan sa Southern Leyte.

Sinabi ni Malibago na isinasagawa ng mga medical doctors ang national and local health programs sa rural areas. Nagsasagawa rin sila ng mga regular na medical consultations at nagre-refer ng mga pasyenteng may malubhang problema sa kalusugan sa health facilities.

Bukod sa pagbibigay ng mga serbisyong medikal, ang mga DTTB ay bumubuo at nagpapatupad din ng advocacy projects and strategies at sinusubaybayan at sinusuri ang mga programang pangkalusugan.

Ang Department of Health (DOH) ay nakapagbigay na ng mga doktor sa mga komunidad sa 41 na batch mula noong nagsimula ang DTTB noong 1993, na naglalayong tugunan ang kakulangan ng mga doktor na naglilingkod sa mga rural na lugar.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe