Saturday, November 9, 2024

HomeNewsDalawang bangka, sangkot sa Illegal Fishing sa Samar

Dalawang bangka, sangkot sa Illegal Fishing sa Samar

Dalawang commercial fishing vessel na sangkot sa ilegal na pangingisda ang nahuli sa joint seaborne operation ng awtoridad nitong Huwebes, Enero 18, 2024.

Nakuha ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources’ (BFAR) Fisheries Protection Law Enforcement Group (FPLEG) and Philippine Coast Guard ang modified Danish seine, illegal na fishing gear na kung tawagin ay “hulbot-hulbot”.

“The use of ‘hulbot-hulbot has been banned in the Philippines because of its destructive effect on marine habitats. Its tom weights and heavily scorelines contributed to the destruction of marine habitats as well as fishery resources, destroying coral reefs, seagrass beds, and other fishery marine life habitats, which takes many years to recuperate,” ayon kay BFAR Eastern Visayas Regional Director Hannibal Chavez.

Ang dalawang bangka at ilegal na kagamitan ay kasalukuyang naka-impound sa FPLEG substation sa Carigara, Leyte para sa tamang disposisyon at pag-iingat.

Nahuli ang isang operator ng bangka sa bayan ng Tarangan na kung saan ay pinalaya pagkatapos ng imbestigasyon.

Ang ibang operator ng bangka ay nahuli sa Daram Island na inabandona naman nila ang kanilang bangka. Ang BFAR ay nagsabi sa may-ari na sumuko na sa FPLEG station.

Samantala, ang nagmamayari ng abandoning CFV ay mahaharap sa administrative fine na aabot ng isang milyon o mahigit 2 milyon sa paglabag sa Section 115 (Obstruction to Fishery Law Enforcement Officer).

Sa ngayon, ang FPLEG ay hinahanda ang dokumento ukol sa kaso. Ang BFAR regional office ay magpapalabas ng karagdagang patrol boat sa baybayin ng Samar upang pigilan ang ilegal na aktibidad sa lugar.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe