Saturday, January 11, 2025

HomeNewsMiyembro ng Philippine Army, patay sa bakbakan laban sa Rebeldeng Grupo sa...

Miyembro ng Philippine Army, patay sa bakbakan laban sa Rebeldeng Grupo sa Tubungan, Iloilo

Ang 30-anyos na si Private First Class Rodelo Alfanza na residente ng Sagay City, Negros Occidental ang binawian ng buhay habang ginagamot sa ospital, alas-10:30 ng umaga nito lamang Enero 17, 2024.

Siya ay isa sa mga unang inulat na sundalong sugatan sa nangyaring engkwentro ng Philippine Army at ng rebeldeng grupo sa kabundukan ng Brgy. Igpaho sa Tubungan, Iloilo.

Batay sa report, dumiretso ang tama ng bala sa ulo ni Alfanza at iyon ang nagpabagsak sa kanya.

Ayon sa mga awtoridad, halos 15 na miyembro ng Puregold (SYP) Platoon, SPF, KR-PANAY ang nakipag sagupaan sa Philippine Army sa Brgy. Igpaho sa ilalim ng pamumuno ni Nahum Camariosa o mas kilala sa alias na “Bebong”.

Pinasalamatan naman ni Major General Marion Sison ang ginawa ni Alfanza na tinuring nyang “selfless act” para sa mga mamamayan ng Western at Central Visayas.

Ayon kay Sison, bagama’t labis na nagdadalamhati sila sa pagkamatay ng kanilang sundalo, ang pagkasawi ni Alfanza ay siyang mas lalong magbibigay lakas sa kanilang layuning mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe