Saturday, November 9, 2024

HomeNewsDSWD, magtatayo ng isang warehouse na nagkakahalaga ng Php40 milyon sa bayan...

DSWD, magtatayo ng isang warehouse na nagkakahalaga ng Php40 milyon sa bayan ng Northern Samar

Magtatayo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng multipurpose satellite warehouse na nagkakahalaga ng Php40 milyon sa Allen, Northern Samar na pwedeng gamitin para mag-imbak ng mga essential food packs at iba pang relief materials para sa 30,000 pamilya.

Noong Martes, sinabi ni Grace Subong, Regional Director ng DSWD Eastern Visayas na ang mga opisyal ay nagsagawa ng groundbreaking para sa isang proyekto noong ika- 8 ng Enero.

“This ensures swift and efficient aid distribution during times of need. It will be equipped with office space, staff quarters, and the ability to store thousands of food packs,” sabi ni Subong sa isang panayam.

Ang pasilidad na matatapos sa loob ng taon ay magsisilbi sa mga pamilya sa Northern Samar na madalas maapektuhan ng pagbaha sa panahon ng tag-ulan o anumang kalamidad.

Sa kasalukuyan, ang DSWD ay naglalagay ng mga food packs sa isang bodega na pinamamahalaan ng Office of the Civil Defense sa bayan ng Allen, na ginagamit upang mag-imbak ng mga kagamitan sa pagtugon sa emergency.

Bukod sa bayan ng Allen, regular ding nag-iimbak ang DSWD ng family food packs sa Biri, Northern Samar; Jipapad, Taft, at Guiuan sa Silangang Samar; Almagro at Santo Niño sa Samar; Isla ng Maripipi, Kawayan, at Naval sa lalawigan ng Biliran; Sogod, Southern Leyte; at ang DSWD Regional Resource Operations Center sa Palo, Leyte.

Ang pagtatayo ng mga bodega sa mga lugar na walang pasilidad ng DSWD ay nagsisiguro sa mas mabilis na paghahatid ng mga relief goods sakaling magkaroon ng sakuna.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe