Tacloban City – Inaasahan ng Philippine Statistics Authority na makapagrehistro ng 300,000 na residente ng Eastern Visayas sa ilalim ng pinaigting na kampanya ng Philippine Identification System (PhilSys) ngayong taon.
Sa pahayag ni Philippine Statistics Authority Regional Director Wilma Perante, binanggit niya na kasama sa hindi nakapagparehistro noong mga nagdaang taon ay ang mga nasa limang taong gulang sa taong kasalukuyan.
Noong Lunes, sinabi ni Perante sa isang panayam na ang kanilang apela sa mga tao sa rehiyon, lalo na sa mga magulang na may mga anak na edad na limang taon pataas ay magparehistro na habang available pa ang mga serbisyo ng PhilSys sa mga komunidad.
Ito ay upang matiyak na ang mga mamamayan ay mabibigyan ng tamang dokumento at pagkakakilanlan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng Philippine Identification System ( PhilSys).
“We reiterate the significance of the PhilSys in providing the legal identity of an individual and empowering the public to have better access to various government and private social services,” dagdag pa niya.
Ang Philippine Statistic Authority ay nagsasagawa ng pagsasaliksik ng mga impormasyon sa iba’t ibang paaralan, unibersidad at ahensya upang maitaas ang kamalayan ng publiko tungkol sa programa.
Sinabi ni Perante na nakikipagtulungan din sila ng mahigpit sa Bangko Sentral ng Pilipinas at Post Office para mapabilis ang paggawa at paghahatid ng mga identification card.
Maaaring i-secure ng publiko ang kanilang mga electronic ID, na magagamit nila bilang valid at sapat na patunay ng pagkakakilanlan sa pamamagitan ng https://appt.philsys.gov.ph.
Noong Agosto 2018, nilagdaan ang Republic Act 11055 o mas kilala Philippine Identification System Act. Layunin nito ang pagbuo ng isang Pambansang ID para sa lahat ng Pilipino at residenteng dayuhan.