Monday, November 25, 2024

HomeNews3 batang lalaki, sugatan dahil sa paputok sa Eastern Visayas

3 batang lalaki, sugatan dahil sa paputok sa Eastern Visayas

Naitala na ng Department of Health (DOH) ang apat na fireworks-related injuries (FWRI) sa Eastern Visayas, kabilang ang tatlong batang lalaki, sa isang linggong pagsubaybay sa holiday revelry blast incidents.

Ang mga biktima ay isang walong taong gulang na lalaki mula sa Palo, Leyte; isang anim na taong gulang na lalaki mula sa Taft, Eastern Samar; at isang 24-anyos na lalaki mula sa Borongan City sa Eastern Samar. Ang tatlo ay nagtamo ng mga pinsala sa ulo at mata dahil sa pagpapaputok ng “lantaka,” o portable cannon.

Ang “Lantaka” ay karaniwang ginagamit sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon bilang pampaingay.

Ang pang-apat na biktima ay isang 11-anyos na lalaki mula sa Paranas, Samar na nagtamo ng sugat sa kamay dahil sa pagpaputok ng 5-star, isa sa mga paputok na ipinagbawal ng gobyerno.

“To celebrate a safe and healthy holiday season, we continue to encourage the public to practice and follow healthy habits such as ‘Iwas Paputok,’ ‘Healthy Handaan’, and ‘Healthy Celebration”, sabi ni DOH Regional Information Officer Jelyn Lopez-Malibago.

Hinimok din ng opisyal ng DOH ang publiko na maghanap ng mga alternatibong paraan para makagawa ng ingay, tulad ng paggamit ng trumpeta, busina, musika, at mga lata.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe