Friday, November 15, 2024

HomeNews436 Service Dogs, dineploy ng PNP para magbantay sa iba’t ibang lugar...

436 Service Dogs, dineploy ng PNP para magbantay sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas

Nagtalaga ang Philippine National Police (PNP) ng 436 service dogs para bantayan ang iba’t ibang lugar sa bansa.

Ayon kay PNP Public Information Officer Police Colonel Jean Fajardo, ang mga service dog ay ipapadala sa mga paliparan, daungan at iba pang terminal ng transportasyon upang bantayan bilang bahagi ng “Ligtas Paskuhan” 2023.

Sa 436 service dogs, 364 sa kanila ang sinanay na umamoy kung may mga bomba sa mga bag at mga lugar, habang ang iba ay sinanay na amuyin ang mga ilegal na droga.

Magiging full alert status ang PNP simula Disyembre 15, bago ang tradisyonal na “Simbang Gabi” mula sa Disyembre 16 hanggang 24.

Sa ngayon, nakapagtalaga na ang PNP ng 39,000 na mga pulis sa mga lugar na matatao.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe