Monday, November 25, 2024

HomeNews2 Bayan sa Leyte, tumanggap ng mga bagong school building

2 Bayan sa Leyte, tumanggap ng mga bagong school building

Ang Department of Education (DepEd) ay nag-turn over kamakailan ng mga bagong school building sa dalawang elementarya sa Hindang at Sta. Fe sa bayan ng Leyte.

Ang Himokilan Elementary School sa Himokilan Island, Hindang at San Miguelay Elementary School sa Sta. Fe, na parehong nasa lalawigan ng Leyte, ay benepisyaryo ng Last Mile School Program ng DepEd.

Pinangunahan ni Undersecretary Epimaco Densing III, in charge ng School Infrastructure and Facilities (SIF), ang ceremonial turnover ng mga school building kasama si Leyte DepEd School Division Superintendent Mariza Magan, noong nakaraang buwan.

Ang bagong gusali ng paaralan sa Sta. Fe ay nagkakahalaga ng Php13,379.302.42 na may dalawang silid-aralan at dalawang comfort room na nilagyan din ng 40 na solar panel.

“Ang silid-aralan na ito ay simbolo ng pag-asa na mayroon pa tayong panahon upang baligtarin ang bumababang takbo ng edukasyon sa Pilipinas, ang krisis sa edukasyon,” ani Densing.

” It will take years to solve this crisis, and to be able to solve this, it should be all hands-on deck. The support of the community, of parents, is also needed, and not just the government alone solving this education crisis that we are facing,” dagdag niya.

Binigyang-diin ni Densing na kahit araw-araw silang magtayo ng mga gusali ng paaralan, hindi ito magiging sapat upang tugunan ang dumaraming bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng mas magandang lugar para makapag-aral.

Ayon sa DepEd, kulang tayo sa 165,000 silid-aralan sa buong bansa.

Nilalayon ng Last Mile Schools Program na tugunan ang mga kakulangan sa mga mapagkukunan at pasilidad ng mga paaralan sa geographically isolated and disadvantaged areas.

Ang inagurasyon sa Leyte ay bahagi ng nationwide simultaneous turnover ng siyam na school buildings sa Southern Leyte, Sorsogon, at Catanduanes provinces.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe