Ipinakilala ng Department of Science and Technology (DOST) ang 60 technological innovations na may kaugnayan sa Disaster Risk Reduction and Management sa tatlong araw na “Handa Pilipinas” Visayas.
Sinabi ni DOST Secretary Renato Solidum na ang mga lokal na teknolohiyang ito na ipinakita mula Nobyembre 8 hanggang 10 sa Summit Hotel na pinondohan ng DOST, ay naglalayong palakasin ang disaster prevention at mitigation, preparedness, response, rehabilitation and recovery.
“Although Filipinos are often branded as victims, with science and technology innovation and collaboration, we can be victors over disaster and not victims,” sabi ni Solidum sa isang press briefing nitong Huwebes.
Kabilang sa mga teknolohiyang ipinakita ang agrometeorological station, flood early warning system, flood sense, bamboo shelter, bamboo octagonal jointing system, brown rice bar, complementary food products, enhanced nutribun, food processing equipment, vacuum fryer, automatic trash rake, water hyacinth harvester, collapsible toilet bowl, emergency food reserve, ready-to-eat chicken egg, upgraded emergency disinfection system, rainwater collection system at satellite rainfall extremes.
Ang iba pang mga teknolohiya ay augmenter-reality terrain-flood simulator, community dengue early warning system, damage assessment software, disaster resources mapping, learning laboratory, self-contained, disinfecting cubicle, oil spill recovery technologies, seismic activity monitoring system, earthquake simulator, life- saving device, soil monitoring pagkatapos ng matinding pagbaha at radiation monitoring stations.
Ang Handa Pilipinas 2023 Visayas Leg, ang pangatlo sa tatlong leg, ay isinagawa para sa ika-10 taon ng paggunita ng Super Typhoon Yolanda. Kasabay din ito ng pagdiriwang ng 2023 Regional Science, Technology and Innovation Week sa Eastern Visayas.
Sa temang, “Typhoon Yolanda Remembered: Understanding Risks and Preventing Future Disasters”, itinatampok sa Handa Pilipinas Visayas leg ang mga aral ng Super Typhoon Yolanda.
“Super Typhoon Yolanda reminded us of lessons and experiences that science, technology, and innovations work with the right communication and action. Collaboration is the heart and soul of this event,” dagdag ni Solidum.
Ang aktibidad ay pormal na binuksan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Miyerkules na kinikilala din ang mga institusyong tumulong sa mabilis na pagbangon ng Eastern Visayas sa pamamagitan ng mga interbensyon sa science, technology and innovation interventions. Bibigyan din nito ng kapasidad ang mga stakeholder ng Visayas sa mga tuntunin ng Disaster Risk Reduction and Management.