Friday, November 8, 2024

HomeNewsPaggunita sa 10th Year Yolanda Commemoration, pinagunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos...

Paggunita sa 10th Year Yolanda Commemoration, pinagunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Leyte – Bilang paggunita sa ika-10 Anibersaryo ng pananalasa ng bagyong Yolanda, personal na dumalo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isang banal na misa para sa mga biktima ng Super Typhoon Yolanda sa Tacloban City Convention Center, Tacloban City nitong Nobyembre 8, 2023. Kasama ang mga nakaligtas na pamilya ng mga biktima ng Super Typhoon Yolanda, ibinigay ng Chief Executive ang Certificates of Award sa siyam na Pabahay Beneficiaries, na kumakatawan sa 3,000 benepisyaryo ng National Housing Authority (NHA) Yolanda Permanent Housing Sites.

Kasama rin sa okasyon ang isang audio-visual presentation na gumugunita sa malagim na kaganapan na naganap noong Nobyembre 8, 2013. Ang bagyong Yolanda ay isa sa pinakamalakas na bagyo sa mundo na nagdulot ng malawakang pagkasira at kalunos-lunos na kumitil sa buhay ng humigit-kumulang 6,300 na indibidwal. Naitala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang tinatayang 14,433 pamilyang lumikas sa Tacloban City lamang.

Sa mensahe ng Pangulo, binigyang-diin niya ang kamalayan sa pagbabago ng klima para sa mas matibay na komunidad. Kanya ring ipinahayag ang dedikasyon ng gobyerno na maiwasan ang ganitong mga trahedya at itaguyod ang pagkakaroon ng disaster-resilient evacuation centers at emergency operations centers at kaniya ring kinilala ang pagsisikap ng mga local at international non-government organizations na tumulong sa muling pagtatayo at pagbangon ng Tacloban City.

“I therefore call on our citizens to partner with us in bolstering our country’s disaster preparedness, recovery, and resiliency so that we can overcome whatever storms we will face. It is an opportunity to become stronger, wiser, and better as we a people and we as a country. We mark the 10th Year of typhoon Yolanda, let us also celebrate the unparalleled spirit of the Waray and of the Filipino. Let us take pride in the fact that we triumphed over this calamity through our innate bayanihan, which inspired people all over the world,” dagdag pa niya.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe