Sunday, November 24, 2024

HomeNewsCruise Ship na may sakay na Australian Tourists, bumisita sa Northern Samar...

Cruise Ship na may sakay na Australian Tourists, bumisita sa Northern Samar at ibang lugar sa Rehiyon

Aabot sa 73 na turista na sakay ng Australian Cruise Ship Coral Adventure ang bumisita sa Biri Northern Samar nito lamang Nobyembre 1, 2023.

Ito ang pinakaunang cruise ship na dumaong sa Northern Samar mula nang makasama ang rehiyon sa cruise tourism noong 2013.

Sa dalawang oras na pagbisita, naranasan ng mga turista ang lokal na kultura at nilibot ang Biri Beach Camp kung saan nakita nila ang settlement rock formation sa isla.

Nakita rin ng mga bisita ang tradisyunal na proseso ng paggawa ng danggit, na siyang ikinabubuhay ng mga tao sa lugar.

Bukod sa Biri, dinarayo rin ng mga turista ang Capul Island kung saan makikita ang ilang landmark noong panahon pa ng mga Kastila.

Ang nasabing cruise ship ay maaari ring pumunta sa Maripipi Biliran, Babatngon, Leyte, Tacloban City, Himukilan Island gayundin sa Canigao Island sa Southern Leyte.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe