Ayon kay Police Brigadier General Reynaldo Pawid, Regional Director ng Police Regional Office 8, nagtalaga sila ng mahigit 7,000 pulis para sa mga tungkuling may kinalaman sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) sa buong rehiyon nitong Lunes, Oktubre 30, 2023.
Nag-deploy din ang Philippine Army ng 2,000 troopers, habang ang Philippine Coast Guard ay mayroong 200 personnel para dagdagan ang pwersa ng kapulisan, partikular sa 197 barangay na tinukoy bilang election areas of concern, 131 barangay na kilala bilang immediate areas of concern, at 63 barangays bilang areas of grave concern.
“Bilang bahagi ng aming paghahanda, naglunsad kami ng iba’t ibang elaborative planning and coordination with other partner agencies to exhaust all possible measures in realizing one shared goal, a safe, accurate, fair, and peaceful conduct of elections,” ani Pawid sa isang press conference na dinaluhan ng mga miyembro ng PRO 8 Press Corps nitong Sabado.