Mahigit 17,000 tauhan ng Visayas Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP VISCOM) ang ipapakalat sa buong rehiyon ng Visayas upang matiyak na ligtas, mapayapa at maayos ang Barangay at Sanguniang Kabataan Elections sa Lunes, Oktubre 30, 2023.
Sinabi ni Lieutenant General Benedict Arevalo, VISCOM Commander, na ang deployment ng mga sundalo ay naglalayong hadlangan ang sinuman na makialam sa proseso ng elektoral.
“Likewise, it aims to boost the confidence of our people to come out and cast their votes out of their own free will and not because they are intimidated or threatened by the CPP-NPA or any threat groups,” pahayag ni Arevalo noong 3rd Quarter Meeting of the Visayas Joint Peace and Security Coordinating Center Martes, Oktubre 24, 2023, sa tanggapan ng Philippine Coast Guard District-Central Visayas.
Sa 17,463 AFP personnel, 5,866 dito ang magbabantay sa BSKE sa Region 5, 5,356 sa Region 7, habang mahigit 6,000 sa Region 8.
Kasama sa numerong ito ang mga opisyal, enlisted personnel at Cafgu Active Auxiliary (CAA).
Karamihan sa kanila ay itatalaga sa mga bulubunduking lugar ng rehiyon upang maiwasan ang posibleng pag-atake ng mga miyembro ng Communist Party of the Philippines-New Peoples Army na maaaring makagambala sa election proceedings.
Habang ang natitirang tropa ay tutulong sa mga tauhan ng pulisya at Philippine Coast Guard sa pagbabantay sa mga polling centers, pagbibiyahe ng mga election paraphernalia at pagsasagawa ng Comelec checkpoints sa mga urban areas.
“So many words have been said, next must be actions. With only a few days remaining, what we have planned, what we have talked about and presented, must now be put into action,” sabi ni Arevalo.