Thursday, November 7, 2024

HomeNewsOnline Registration ng mga sasakyan at lisensya, pinahusay ng LTO

Online Registration ng mga sasakyan at lisensya, pinahusay ng LTO

Inatasan ni Land Transportation Office Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza ang lahat ng regional offices na tiyaking patuloy ang pagpapatupad ng online registration para sa pagpaparehistro ng mga sasakyan at pagkuha ng lisensya.

Ayon kay Mendoza, ito ay upang malutas ang umiiral na problema sa mga fixer.

“Ang aming diskarte ay magkaroon ng isang online na sistema ng pagpaparehistro para sa sasakyan at aplikasyon ng lisensya,” sabi ni Mendoza.

“Ito’y ipapa-double time natin within the regions para mas mapalawak na ang mga motorista na hindi kailangang i-renew ang registration ng kanilang mga sasakyan ng face-to-face because our goal is to have all these transactions be done online,” dagdag ni Mendoza.

Ayon sa kanya, dapat ay madaling iproseso ang pagpaparehistro at pagkuha ng lisensya.

“Maaari naming ipadala ang lisensya sa pamamagitan nalang ng courier,” sabi ni Mendoza.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe