Pormal nang ideneklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr bilang special non-working holiday ang araw ng pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ngayong Oktubre 30, 2023.
Ito ay upang bigyan ng sapat na panahon ang bawat Pilipino na makapunta sa kanilang presento at bomoto sa darating na halalan.
Una nang sinabi ni Commission on Elections (COMELEC) Chairperson Atty. George Erwin Garcia na hihilingin nila sa Malacanang sa pamamagitan ng isang resolusyon na ideklarang holiday ang mismong araw ng halalan.