Duguan at wala ng buhay nang matagpuan ang isang pump operator ng Intex Water Station sa Brgy. Cabatuan, Calbayog City nitong Oktubre 1, 2023.
Kinilala ang biktima na si Genaro Baragenio, 44 taong gulang at residente ng Brgy. Pilar Oquendo District, Calbayog City, Samar.
Sa inisyal na imbistigasyon ng PNP Calbayog, habang ang kasama ng biktima na guardiya sa Cabatuan Intex Water Station ay naka duty sa nabanggit na istasyon, bandang 6:30 ng gabi ng pinabili ng biktima ang kasama nito ng itlog para sa kanilang hapunan. Nang makabalik ang kasama nito, sinabihan niya ang biktima na “kuya jun adi na an bonay, alayon pagluto.”
Umuwi naman ang kasama ng biktima para kunin ang kanyang pagkain sa bahay. Pagbalik nito nadatnan niya ang biktima na duguan at wala ng buhay habang nakaupo at nakasandal sa pader.
Samantala, narekober sa crime scene ang isang unit na shot gun, tatlong pirasong twelve guage ng shot gun at walong pirasong basyo ng kalibre. 45.
Patuloy naman ang imbistigasyon para sa pagkakilanlan ng suspek.