Depression ang dahilan ng pagpapakamatay ng isang lalaki sa Purok 3, Badiang, Brgy. Bunga, Baybay City, Leyte, hapon nitong Setyembre 24, 2023.
Kinilala itong si Gelvin Peñafiel, 29 taong gulang, binata, at residente ng nasabing lugar.
Ayon kay Guillermo Peñafiel, ang 56-anyos na ama ng biktima, nanonood siya ng TV habang ang kaniyang anak ay nakahiga nang bigla itong tumayo at kumuha ng upuan na dinala sa kanilang CR ngunit ilang minuto ang lumipas, walang lumabas na Gelvin.
Pinilit niya umanong buksan ang pinto ng CR at dito niya naabutan ang kanyang anak na nakabitin.
Sinubukan ni Guillermo at ng rescue team na iligtas ang biktima, ngunit binawian na ito ng buhay.
Ayon kay Guillermo, sinubukan ni Gelvin na magpakamatay noong Agosto ng taong ding ito pero napinigilan niya ito.
Dagdag pa niya, dumaranas ng depresyon ang biktima dahil sa pagkamatay ng kanyang kapatid at ina nito noong 25 taong gulang pa lamamg siya.