Thursday, December 5, 2024

HomeNewsIsang ama, umamin sa pagpatay sa kanyang asawa at dalawang anak sa...

Isang ama, umamin sa pagpatay sa kanyang asawa at dalawang anak sa lungsod ng Catbalogan, Samar

Lumalabas na selos ang matinding dahilan kung bakit nagawa ng isang ama na patayin ang kanya mismong asawa/kinakasama at dalawang anak nitong nakaraang buwan noong Agosto 30, 2023 sa Brgy. Pupua, Lungsod ng Catbalogan.

Matatandaang humingi pa ng saklolo sa mga awtoridad ang suspek na kinilalang si Edito Candiz, asawa ng biktimang si Rhea Oreo dahil sa kanyang salaysay na naabutan umano nito ang asawa at dalawang anak na nakahandusay sa labas ng kanilang tahanan sa nabanggit na barangay.

Unang lumabas sa resulta ng pagsisiyasat na nagtamo ng sampung (10) taga at saksak sa iba’t-ibang parte ng katawan ang asawa nitong si Rhea, habang nagtamo naman ng laslas sa leeg ang mga anak nitong sina Edison Candiz (5 months old) at Andrea Casilbas (3 taong gulang).

Kahapon, araw ng Huwebes , September 21, 2023 ay lumantad ang suspek at inamin sa harap ng media na siya nga ang pumatay sa kanyang asawa at mga anak.

Kasabay pa nito ay inamin din ng suspek na siya rin ang nasa likod sa pagpatay sa ama ng kanyang asawa na kinilalang si Rodolfo alyas “Kalbo” noong nakaraang taong 2021 na sa ilang taon ay unresolved ang kaso.

Sa salaysay ng suspek, nagkaroon umano sila ng sagutan ng kanyang kinakasama na si “Rhea” dahil nagdududa umano siya na ang dating asawa ng kanyang misis ang kumukuha sa kanyang anak-anakan sa kanilang tahanan at hindi ang lola nito.

Inamin din ng suspek na una niyang pinagtataga ang kanyang asawa gamit ang isang itak at wala na umano siyang intensyong idamay pa ang mga bata ngunit dahil nagdilim na umano ang kanyang paningin kaya niya nagawa ang malagim na krimen.

Pagkaraan nito’y, matapos mahimasmasan ay agad umano itong nagtungo sa malapit na ilog sa kanilang tahanan upang maligo at mawala ang bakas ng krimen sa kanyang katawan bago pa man ito humingi ng saklolo sa mga opisyal ng barangay upang humingi ng tulong at kalauna’y pinalabas na kagagaling pa lamang nito sa pamamasada.

Matatandaang, una nang napabilang si Candiz sa mga persons of interests ng Catbalogan City Police Station at sa panayam ni Senador Raffy Tulfo ay inihayag nitong handa umano siyang sumailalim sa lie detector test upang patunayan na wala umano siyang kinalaman sa naturang krimen.

Una naring nag-alok ng Php500,000 peso na pabuya si Senador Raffy Tulfo at Php100,000 pabuya naman ang alok ni Catbalogan City Mayor Dexter Uy para sa agarang ikadarakip ng suspek at agad na ikalulutas ng kaso.

Sa kasaluyan ay nasa kustodiya na ng Catbalogan City Police ang suspek at posibleng maharap sa patung-patong na kaso ng pagpatay.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe