Hindi bababa sa anim na miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) ang kumpirmadong napatay at pitong high-powered firearms ang nakuha sa magkakasunod na engkwentro sa pagitan ng 47th Infantry Battalion ng Army noong Setyembre 07, 2023.
Ang mga labi ng namatay ay mga pawang miyembro ng Bohol Party Committee sa ilalim ng Domingo Compoc @Eloy sa Brgy. Campagao, Bilar, Bohol.
Nagawa ng 47IB na makalaban ang mga armadong rebelde sa anim (6) na magkakasunod na engkwentro sa loob ng mahigit tatlong oras na nagsimula bandang 7:35 ng umaga.
Rumespondo ang grupo kasunod ng impormasyon na ibinigay ng concerned citizen ukol sa presensya ng CTG na puwersahang humihingi sa mga residente ng pagkain at suplay sa nasabing lugar.
Iniuugnay ni MGen Marion R Sison, 3ID Commander ang tagumpay ng operasyon sa walang patid na suporta at pagbabantay ng mga lokal na mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga tropa ng kapansin-pansin at napapanahong impormasyon sa kinaroroonan ng mga NPA.
Gayundin, inulit ni MGen Sison na ang major engagement na ito ay malaking dagok sa mga CTG na kumikilos sa Bohol.
“We will not stop until they will succumb into defeat or until everyone of them abandon their futile armed struggle. As such, I am again calling the remaining CNTs in Regions 6 and 7 to return to the folds of the law or you will suffer the same fate as your comrades in Bohol,” MGen Sison.