Sunday, October 6, 2024

HomeNewsNanay at dalawang anak, patay matapos pagtatagain sa Catbalogan City

Nanay at dalawang anak, patay matapos pagtatagain sa Catbalogan City

Kalunos-lunos ang sinapit ng mag-iina matapos itong pagtatagain sa loob mismo ng kanilang tahanan sa Catbalogan City, kagabi, Agosto 30, 2023.

Batay sa ulat, dumating sa bahay ang padre de pamilya na kinilalang si Edito Condiz bandang 6:30 ng gabi, Miyerkules (Augosto 30, 2023) mula sa pamamasada at doon na tumambad sa kanya ang wala nang buhay niyang mag-iina.

Wala nang buhay ang kanyang asawa habang karga-karga ang kanyang 3 buwang sanggol, habang sa di’ kalayuang lokasyon ay naliligo din sa kanyang sariling dugo ang kanyang isa pang anak.

Patuloy naman ang pagtugis sa hindi pa nakikilang suspek na agad na tumakas matapos ang karumaldumal na pagpaslang sa mag-iina.

Inaantabayanan din ang opisyal na ulat mula sa mga imbestigador kaugnay sa motibo ng pagpatay at pagkakakilanlan ng suspek.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe