Saturday, January 11, 2025

HomeNews42 barangay at 1 munisipalidad sa Central Visayas, idineklarang drug cleared

42 barangay at 1 munisipalidad sa Central Visayas, idineklarang drug cleared

Apat na pu’t dalawang barangay at isang munisipalidad sa Central Visayas ang idineklarang drug cleared kasunod ng masusing pag-deliberasyon ng Regional Oversight Committee (ROC).

Ang ROC sa Barangay Drug Clearing ay nagpulong noong Agosto 11, 2023 upang pag-usapan ang mga kahilingan para sa drug cleared status ng 42 barangay at isang munisipalidad.

Pinangunahan ni Deputy Regional Director Benjamin Recites ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Central Visayas (PDEA 7), ang pulong kasama ang mga miyembro ng ROC na sina Celerino Magto Jr. ng Department of Interior and Local Government sa Central Visayas, Major Rey Delos Santos ng Police Regional Office-Central Visayas at Dr. Jonathan Neil Erasmo ng Department of Health-Central Visayas.

Sa 42 barangay, 25 ang nasa Cebu province, 11 ang nasa Bohol, at tatlo ang nasa Cebu at Mandaue, ayon sa pagkakasunod.

Matagumpay na nakilala ang bayan ng San Remigio sa hilagang Cebu bilang ikawalong munisipyo ng drug cleared.

Ayon kay PDEA 7 Information Officer Leia Alcantara, bumaba ang drug affectation mula 43 percent noong July 2023 hanggang 42 percent lang nitong Agosto.

Batay sa datos ng PDEA 7, ang Cebu at Bohol ay may tig-643 barangay na idineklarang drug cleared simula noong 2017.

Sumunod ang Negros Oriental na may 197, sinundan ng Siquijor na may 107, Cebu City na may 25, Mandaue City na may 13, at Lapu-Lapu City na may anim.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe