Thursday, December 26, 2024

HomeNews88 PDL sa Mandaue City, nagtapos ng Elementarya at High School sa...

88 PDL sa Mandaue City, nagtapos ng Elementarya at High School sa pamamagitan ng Ladderized Program

Nasa 88 katao na deprived of liberty (PDLs) sa bagong Bureau of Jail Management and Penology Male Dormitory sa Sitio Dungguan, Barangay Basak, Mandaue City ang nagtapos ng kanilang elementarya at sekondaryang edukasyon sa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS) ladderized program noong Biyernes, Agosto 11.

Sinabi ni Jail Officer 1 Robertson Caberte na kabilang sa bilang ang 25 na nagtapos sa elementarya at 63 naman sa sekondarya.

Sinabi ni Caberte na ito na ang ikalawang batch ng physical ALS graduates sa BJMP Mandaue mula nang sumiklab ang Coronavirus disease (Covid-19) pandemic noong 2020.

Ang klase ng ALS sa jail facility ay isinasagawa isang beses sa isang linggo na may buong araw ng klase na tatagal ng isang taon.

Bagama’t opsyunal ang paglahok sa programa, hinikayat ni Caberte ang mga PDL na gawin ito dahil magiging kapaki-pakinabang sa kanila ang mga kaalamang matututunan nila sa klase, lalo na sa pag-aaplay ng trabaho, kapag nakalabas na sila sa kulungan.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe