Friday, November 22, 2024

HomeNewsBrutal na pagpatay ng CNT sa isang sibilyan sa Northern Samar, kinondena

Brutal na pagpatay ng CNT sa isang sibilyan sa Northern Samar, kinondena

Makalipas ang halos dalawang dekada, nahukay na ang mga labi ni Roberto Drio alyas “Boyet” na biktima ng brutalidad ng Communist NPA Terrorist o CNTs.

Ang tropa ng 74th Infantry “Unbeatable” Battalion kasama ang mga tauhan ng Mapanas Municipal Police Station at SOCO Forensic Unit 8, nahukay nila ang bangkay sa hinterlands ng Barangay Siljagon, Mapanas, Northern Samar nitong Agosto 8, 2023.

Dating miyembro ng CTGs na kalaunan ay bumalik sa kanlungan ng batas si alyas “Boyet” na noon ay 25 taong gulang at pinahirapan hanggang mamatay noong 2004 ng grupo ni Ka Duo, isang komunistang lider ng teroristang NPA na kumikilos sa mga bayan ng Pasipiko ng Northern Samar.

Kinondena rin ni Florencio Dino, ama ni Boyet ang brutal na pagpatay ng mga CTGs sa kanyang anak. Inamin niya na ilang taon na siyang hindi natahimik dahil hindi niya maihayag ang insidente sa mga otoridad dahil sa pag-alala sa kaligtasan ng kanyang pamilya.

“Sa mga teroristang NPA na gumawa nito sa anak ko, sana ay makonsensya kayo at mapagtanto ninyo ang inyong mga maling gawain. Maawa kayo sa mga pamilya ng inyong pinatay dahil laging may oras ng pagpaparusa”, dagdag pa niya.

Samantala, si Major General Camilo Z Ligayo, Commander ng 8 Infantry Division ay nakikiramay sa pamilya ng biktima at sinisugurado na mabibigyan ng hustiya si Boyet at lahat ng inosenteng buhay na kinitil sa kamay ng mga teroristang CPP-NPA-NDF.

Dagdag pa ni Ligayo, “Ang gawaing ito ng karahasan ay isang malinaw na pagpapakita ng pagwawalang bahala ng CPP-NPA-NDF sa mga karapatang pantao at halaga ng buhay ng tao. Patuloy tayong magsisikap nang walang pagod upang lansagin ang CPP-NPA-NDF at wakasan ang kanilang paghahari ng terorismo.

“Hinihimok namin ang publiko upang suportahan ang ating mga pagsisikap sa pagpuksa sa banta na ito mula sa ating Lipunan sa pamamagitan ng pag-uulit ng anumang kahina-kahinalang aktibidad o impormasyon sa mga otoridad”, diin ni Ligayo.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe