Friday, November 22, 2024

HomeWestern Visayas, pumapangalawa sa may pinakamaraming gintong medalya sa 2023 Palarong Pambansa

Western Visayas, pumapangalawa sa may pinakamaraming gintong medalya sa 2023 Palarong Pambansa

Itinanghal na 1st runner up o pangalawa sa may pinakamaraming gintong medalya na naipanalo ang Region 6 Western Visayas sa katatapos lamang na Palarong Pambansa 2023 na ginanap sa lungsod ng Marikina nito lamang Hulyo 29 hanggang nitong Agosto 5, 2023.

Nakakuha ang Region 6 ng kabuuang 60 gold, 45 silver at 44 bronze medals, kasunod lamang ng itinanghal na kampeon na National Capital Region na nakakuha ng kabuuang 85 gold, 74 silver at 55 bronze medals. Habang itinanghal namang 2nd runner up ang CALABARZON (Region 4A) na nakakuha ng 52 gold, 52 silver at 57 bronze.

Sumunod naman ang Central Luzon (Region 3) (3rd) na may 28 gold, 33 silver at 46 bronze; 4th naman Central Visayas (Region 7) na may 26 gold, 18 silver, 35 bronze; Davao (Region 9) fifth, 21-18-27; followed by Northern Mindanao, sixth, (19-20-33); Soccsksargen (17-19-34); Cordillera (17-17-14); Bicol (13-15-22); Ilocos (9-11-23); Cagayan Valley (8-13-17); Mimaropa (6-8-13); Eastern Visayas (5-17-15); Caraga (4-11-20); Zamboanga Peninsula (3-5-13); and Bangsamoro (2-0-4).

Nahigitan pa ng mga kabataang atleta mula sa Western Visayas ang nakaraan nitong mga naipanalong medalya kung saan itinanghal ang rehiyon na 3rd placer mula noong 2017 hanggang 2019.

Nakuha naman ng NCR ang kanilang sunud-sunod na ika-16 panalo bilang overall champion sa naturang palakasan.

Bagama’t nabigo ang rehiyon na makuha ang kabuuang kampeonato, nakapagtala naman ito ngayong taon ng mga bagong palaro record sa swimming at athletics, at natalo rin nito ang 3-time defending champion na NCR sa secondary volleyball (girls), habang nanalo din ang volleyball elementary (girls) ng rehiyon laban sa Caraga Region.

Samantala, muli namang bumalik sa Queen City of the South Cebu City ang Palarong Pambansa sa susunod na taon, matapos ang 30 taon.

Tinalo nito ang dalawa pang kapwa-bidder mula sa Visayas, ang Bacolod City sa Negros Occidental at ang Antique province.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe