Saturday, January 11, 2025

HomeNews48 na Pasahero ng MB Spirit, nailigtas

48 na Pasahero ng MB Spirit, nailigtas

Northern Samar- Batay sa huling ulat ng San Antonio Municipal Police Station, ligtas na at kasalukuyang nasa mabuti nang kalagayan ang 48 na mga pasahero ng tumaob na bangkang MB Spirit habang papunta sa bayan ng San Vicente noong Augosto 2, 2023.

Ayon sa report, umalis ang MB Spirit sa San Isidro Port at bandang alas-otso ng umaga nang makatanggap ng tawag ang San Antonio MPS hinggil sa tumaob na bangka mula sa isang concerned citizen.

Sa pakikipagtulungan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng San Antonio, agarang pinuntahan ng mga kapulisan at tauhan ng MDRRMO ang nasabing bangka upang magsagawa ng rescue operations.

Matagumpay namang nailigtas ang mga pasahero na kinabibilangan ng ilang bata at matanda. Ang lahat ay idinala sa tanggapan ng MDRRMO upang mabigyan ng karampatang tulong.

Samantala, ayon sa mga pasahero, bumangga ang MB Spirit sa isang palutang-lutang na kahoy na syang naging sanhi ng paglubog ng nasabing bangka.

Hinila at dinala naman sa baybayin ng Brgy. Ward III, San Antonio ang lumubog na bangka na pagmamay-ari ni Manuel Jatap, residente ng nasabing bayan.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe