Sunday, October 6, 2024

HomeNewsHouse caretaker, patay sa pamamaril sa Carcar City

House caretaker, patay sa pamamaril sa Carcar City

Patay ang isang caretaker ng bahay sa Sitio Lower Tawong, Barangay Valladolid, Carcar City, Southern Cebu pasado alas-8 ng umaga noong Lunes, Hulyo 31, 2023.

Kinilala ang biktima na si Rogen Montefalcon Fajardo, nasa tamang edad, tubong Negros Occidental, ngunit pansamantalang naninirahan sa Barangay Magkagong, Sibonga, Cebu habang ang mga suspek na sina Roy Bacus, construction worker mula sa Negros Occidental at Rodel Campania, residente ng Valladolid.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Mark Gifter Sucalit, Hepe ng Carcar City Police Station, nagtamo ng anim na tama ng bala sa kaliwang mata at katawan ang biktima.

Dinala siya sa Carcar Provincial Hospital, kung saan siya ay idineklara na dead on arrival ng kanyang attending physician.

Matapos ang insidente, tumakas sina Bacus at Campania sakay ng isang motorsiklo.

Si Campania, gayunpaman, ay nahuli ng pulisya sa isang hot pursuit operation, habang si Bacus ay nakaiwas sa pagkakaaresto.

Sinabi ni Sucalit na nag-aaway sina Fajardo at Bacus nang bumunot ng baril at binaril ang biktima ng ilang beses.

“Manag kaila rani sila nya nagkalalis. Wala pata kabalo kung ano ang ilang gilalisan. Ang cause ra talaga ani ang personal nila nga away,” saad ni Sucalit.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe