Friday, January 10, 2025

HomeNewsCentral Visayas Focus Crimes, bumaba; Supporta ng komunidad isa sa mga rason...

Central Visayas Focus Crimes, bumaba; Supporta ng komunidad isa sa mga rason base sa PRO 7

Bumaba ng 5.26 porsiyento ang antas ng krimen sa rehiyon ng Central Visayas noong nakaraang linggo na dahil sa solidong suporta ng komunidad at mga agresibong interbensyon laban sa kriminalidad, ayon sa Police Regional Office 7.

Sa ulat ng PRO7 Unit Crime Periodic Report (UCPER), mula Hulyo 17 hanggang 23, 2023, may kabuuang 54 na kaso ng index crimes ang naitala sa iba’t ibang himpilan ng pulisya sa buong rehiyon, na nangangahulugang bumaba ng 5.26% kung ihahambing sa nakaraang linggo na nakapagtala ng 57 kaso.

Sa pahayag ng PRO 7, ang mga kaso ng Murder, Homicide, Rape, at Carnapping ay bumaba habang tumaas naman ang Physical Injuries at Theft.

Naitala naman nasa 79.63% ang crime clearance efficiency habang ang crime solution efficiency ay pumalo sa 74.07%.

Tiniyak ni Police Brigadier General Anthony Aberin, PRO7 Regional Director sa publiko ang patuloy na pagsusulong ng mga makabagong pamamaraan para sa mas malawak na pagsisikap at kampanya laban sa kriminalidad sa buong rehiyon.

Pinasalamatan din ng heneral ang komunidad sa kanilang suporta at pakikipagtulungan sa PRO 7 police units.

“When the community and the police work in solid, strategic, and consistent partnership, the environment will not be conducive for criminals and thus, lesser crimes are recorded”, saad ni Police Brigadier General Aberin.

SOURCE: PIO 7

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe