Sunday, January 5, 2025

HomeNewsPagpapalakas sa pwersa ng kapulisan, prayoridad ng kongreso

Pagpapalakas sa pwersa ng kapulisan, prayoridad ng kongreso

Ibinahagi ni House Speaker Martin Romualdez ang pakikipagpulong niya kay Philippine National Police Chief Benjamin Acorda Jr. at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Director General Ricardo de Leon nitong nakaraang Linggo.

Ayon kay Romualdez, layunin nitong pag-usapan ang mga hakbang ng Kongreso na makakatulong sa mga pangangailangan ng buong pwersa ng kapulisan.

“Isa sa aming napag-usapan ay ang Military and Uniformed Personnel (MUP) pension fund na kasalukuyang tinatalakay na sa Kongreso. Ang nasabing panukalang batas ay mapapakinabangan ng nasa 227,000 aktibong pulis pati na rin ng mga nagretiro na sa serbisyo”, pahayag ni Romualdez.

“Sa aming pagpupulong, ating sinigurado kay PNP Chief Acorda na ang Kongreso ay handang alalayan ang ating mga kapulisan sa pamamagitan ng mga panukalang batas na makapagpapaangat ng integridad, kabuhayan at kakayahan ng ating kapulisan”, dagdag pa nito.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe