Sunday, October 6, 2024

HomeNewsDrug den sa Cebu City, sinalakay; 4 arestado

Drug den sa Cebu City, sinalakay; 4 arestado

Apat na katao ang naaresto nang salakayin ang isang drug den ng pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng PDEA Cebu Provincial Office at Cebu City Police Office Station 6 sa Sitio Galilee, Barangay Duljo Fatima, Cebu City noong Hulyo 13, 2023.

Arestado ang subject ng operasyon at drug den maintainer na kinilalang si Junito Abayan, habang nadakip din ang tatlong bisita sa drug den na sina Welmar Jacilo Hulleza, Patrick Bajarias, at Jeremy Diaz.

Nakumpiska sa operasyon ang siyam (9) na pakete ng shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 13 gramo na may tinatayang market value na P88,400.00, buy-bust money, at iba’t ibang drug paraphernalia.

Kasong paglabag sa Sections 5, 6, 7, 11, at 12, Article II ng RA 9165 ang isasampa laban sa mga suspek.

Ang mga drug den ay pinagmumulan ng karahasan at kriminalidad at sinisira ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe