Thursday, December 26, 2024

HomeNews300 pamilyang apektado ng oil spill sa Southern Leyte, nakakuha ng tulong

300 pamilyang apektado ng oil spill sa Southern Leyte, nakakuha ng tulong

Namahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) regional office ng 300 family food packs (FFPs) bilang paunang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng oil spill kamakailan sa San Ricardo, Southern Leyte.

Ang mga tumanggap na 300 pamilya ay mula sa mga coastal village ng Benit, Cabutan at Timba village sa bayan ng San Ricardo malapit sa daungan para sa Mindanao-bound vessels.

Ang tulong na ipinamahagi sa mga apektadong mangingisda at kanilang mga pamilya ay nagsilbing augmentation support sa lokal na pamahalaan. Ang mga ipinamahagi na FFP ay nagmula sa mga prepositioned goods sa Sogod, Southern Leyte.

Bukod sa paunang tulong, magsasagawa rin ang kagawaran ng food-for-work program kung saan ang karagdagang 300 FFPs ay ipapamahagi kapalit ng serbisyo ng mga apektadong residente.

“Inaasahan na sa pamamagitan ng programang ito, ang bawat apektadong pamilya ay tutulong sa paglilinis sa baybayin at iba pang aktibidad na bahagi ng pag-iwas at pagpapagaan ng lokal na pamahalaan,” sabi ng DSWD regional office nitong Huwebes, Hulyo 12, 2023.

Sinabi naman ng Philippine Coast Guard sa pinakahuling ulat na iniimbestigahan pa nila ang dalawang sasakyang pandagat upang matukoy ang sanhi ng oil spill noong Hulyo 7.

Tinatayang aabot sa isang kilometro ng dagat ang apektado ng oil spill, na nakakaabala sa aktibidad ng pangingisda.

Ang Coast Guard Southern Leyte Station ay kumuha ng mga sample mula sa langis na tumapon sa dagat upang itugma ang mga ito sa dalawang pinaghihinalaang barko -LCT Georgia-1 at MV San Ric Ferry 20.

Ang mga tauhan mula sa PCG, mga opisyal ng lokal na pamahalaan at mga boluntaryong residente ay nakikilahok sa mga aktibidad sa paglilinis ng oil spill mula noong Hulyo 8.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe