Friday, November 22, 2024

HomeNewsPhp3.6 Million cash gift, inilabas ng Eastern Visayas para sa mga centenarians

Php3.6 Million cash gift, inilabas ng Eastern Visayas para sa mga centenarians

Hindi bababa sa 36 centenarians sa Eastern Visayas ang nakatanggap ng tig-Php100,000 cash gift mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa unang anim na buwan ng taon.

Sa 36 na tumanggap, 13 sa mga ito ay mula sa lalawigan ng Leyte, tatlo mula sa Southern Leyte, pito mula sa Samar, apat mula sa Biliran, anim mula sa Northern Samar at tatlo mula sa Eastern Samar.

“Ang cash benefit na ito ay iginagawad ng DSWD sa mga centenarian alinsunod sa Republic Act 10868. Ang batas na ito ay naglalayong magbigay ng insentibo para sa lahat ng senior citizens na umabot ng 100 taon, nasa loob man o labas ng bansa. This is different from DSWD’s social pension,” ani Janeth Erato ng DSWD Regional Office Social Pension Social Welfare Officer, sa isang press briefing dito Martes, Hulyo 4, 2023.

Ang mga recipients ay tatanggap ng pera sa kanilang ika-100 na kaarawan kasama ang isang sulat mula sa Tanggapan ng Pangulo.

Sinabi ni Erato na nagdaragdag din ang mga local government unit ng cash incentives sa mga centenarian beneficiaries. Ang halaga ay nag-iiba para sa bawat lokal na pamahalaan.

“The grant is a recognition of the government for the longevity and contributions of centenarians to the welfare of their families and communities”, dagdag pa niya.

Upang mapakinabangan ang mga benepisyo sa ilalim ng batas, ang mga kaanak ng mga centenarian ay kailangang magsumite ng mga pangunahing dokumento tulad ng birth certificate at Philippine passport sa city o municipal social welfare office at Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) sa kanilang mga lokalidad.

Kung ang dalawang dokumento ay hindi makukuha, alinman sa mga pangunahing Identification card na inisyu ng OSCA, Government Service Insurance System, at Social Security System; driver’s license; Professional Regulations Commission license; at Commission on Elections Voter’s ID, ay tinatanggap din.

Ang DSWD ay namamahagi ng centenarian incentive sa pamamagitan ng house-to-house delivery scheme.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe