Saturday, November 23, 2024

HomeNewsWarehouse sa Mandaue City, nasunog; Pinsala umaabot sa P14M

Warehouse sa Mandaue City, nasunog; Pinsala umaabot sa P14M

Isang bodega sa Barangay Opao, Mandaue City ang natupok ng apoy na umaabot sa P14 milyon ang pinsala noong Miyerkules ng madaling araw, Hulyo 5, 2023.

Nakuha ng Mandaue City Fire Station ang alarma sa sunog alas-3:53 ng madaling araw, ayon kay Senior Fire Officer 2 Antonio Montajes.

Alas 4:00 ng umaga ng itinaas ang sunog sa unang alarma at pagkatapos ay sa ikalawang alarma alas-4:33 ng umaga.

Naapula ang apoy sa tulong ng mga bombero mula sa mga lungsod ng Cebu at Lapu-Lapu.

Ayon sa imbestigasyon ng Mandaue City Police Office, inupahan ng Xanda Traders ang warehouse na pag-aari ni James Tan ng Hesreal Corporation.

Sinabi ni Fire Chief Inspector Arniel Abella, fire marshal ng Mandaue City Fire Office (MCFO), na gumamit sila ng aqueous film-forming foam para maapula ang apoy dahil hindi ito agad maapula ng tubig lamang.

Ang mga construction materials ay itinago sa loob ng bodega.

Alas-5:33 ng umaga ng nakontrol ang apoy at idineklara itong fire out pagkaraan ng isang minuto.

Ayon sa mga ulat, nagsimula ang apoy nang sumabog ang isang transformer na malapit habang bumubuhos ang ulan.

Inaalam na ngayon ng MCFO ang tunay na sanhi ng sunog.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe