Sunday, October 6, 2024

HomeNewsLalaki, patay nang mahulog ang sasakyan sa dagat sa Southern Leyte

Lalaki, patay nang mahulog ang sasakyan sa dagat sa Southern Leyte

Patay ang isang lalaki makaraang mahulog ang kanilang sasakyan sa dagat sa Santa Clara Port sa Liloan, Southern Leyte, kahapon ika-28 Hunyo 2023.

Kinilala ang nasawi na si Fernando De La Cruz, animnapu’t siyam na taong gulang.

Nakaligtas naman ang kaniyang asawa na si Olimpia, animnapu’t siyam na taong gulang, anak na si Evangeline Gutlay, at tatlong iba pa.

Ang mga biktima na pawang residente ng Barangay Napaaran, sa bayan ng Salcedo, Eastern Samar, na pasakay na sana sa isang fast craft patungong Surigao City nang mangyari ang insidente.

Sa report mula sa Philippine Coast Guard, dumulas umano ang Isuzu Crosswind na minamaneho ni De La Cruz sa docking area ng pantalan.

Bagaman nailigtas ang mga natitirang pasahero ng crew ng MV GT Express-I bago tuluyang lumubog sa tubig ang sasakyan, bigo naman ang rescuer na masagip si Fernando dahil naka-lock ang pintuan kung saan ito nakaupo.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe