Tuesday, November 26, 2024

HomeNewsDrug Den sa Cebu City, nabuwag ng PDEA; Apat na suspek, arestado

Drug Den sa Cebu City, nabuwag ng PDEA; Apat na suspek, arestado

Arestado ng mga miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency in Central Visayas (PDEA 7) ang apat na katao nang buwagin ang isang drug den sa anti-illegal drug operation sa Sitio Lower Galili, Barangay Duljo Fatima, Cebu City pasado alas-6 ng gabi noong Miyerkules, Hunyo 14, 2023.

Kinilala ang mga suspek na sina Joel Pastoril alyas Dodong, 42, cellphone technician at umano’y drug den maintainer, at ang runner nitong si Richele Hamoy 38, isang laundrywoman.

Arestado rin ang mga cellphone technicians na sina Mark delos Reyes, 30, at Mohiamin Panantaon, 26, na nahuling sumisinghot ng umano’y shabu sa loob ng drug den.

Nakuha sa kanila ang anim na pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na 20 gramo na nagkakahalaga ng P136,000 at mga drug paraphernalia.

Ayon kay Leia Alcantara, Information Officer ng PDEA 7, bago ang drug raid, dalawang linggo silang nagsagawa ng case build-up laban sa mga suspek matapos makatanggap ng impormasyon mula sa isang concerned citizen tungkol sa iligal na aktibidad.

Napag-alaman ng mga otoridad na maaaring mag-dispose si Pastoril ng 50 gramo ng umano’y shabu kada linggo.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe