Sunday, November 24, 2024

HomeNewsLivelihood Program, ipinamahagi sa 37 na dating miyembro ng NPA

Livelihood Program, ipinamahagi sa 37 na dating miyembro ng NPA

Pormal na ipinamahagi ang mga ayudang pangkabuhayan para sa 37 na dating miyembro ng teroristang NPA na ginanap sa himpilan ng 46th Infantry (Peacemakers) Battalion, Brgy. Polangi, Calbiga, Samar nitong ika-2 ng Hunyo 2023.

Ang programa ay pinamagatang “Turn-over of Project Proposal Provision of Diversified Individual Livelihood Projects” na isa sa mga inisyatibo ng opisina ni Senator Ronald “Bato” De La Rosa upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga dating rebelde o mas kilala ngayon sa tawag na Friends Rescued (FRs) bilang alalay sa kanilang pag babagong buhay kasama ang kanilang pamilya.

Pinangunahan naman ni Colonel Rico O. Amaro Inf (GSC) PA, 802nd Deputy Brigade Commander ang naturang programa kasama sina Ms. Marianne Kristel De La Rosa-Estoesta, General Bato Chief of Staff, Ms. Meldy C. Mansanade, Accountant III DILP/Livelihood Focal, 87th Infantry (Hinirang) Battalion sa pamumuno ni Lt. Colonel Luzelito Q. Betinol Inf (GSC) PA, na nirepresentahan ni Cpt. Mark Anthony G. Reyes (Inf) PA at si Mr. Dexter M. Latorre, Municipal Administrator sa bayan ng Calbiga, Samar.

Ang ipinamahaging ayuda ay alinsunod narin sa mga project proposal na kung saan ang mga FR mismo ang pumili ng angkop na pangkabuhayan na gusto nila. Kabilang sa ipinamahagi ay ang 91 na biik, 99 na sako ng starter feeds, 99 na sako nga grower feeds para sa livestock production. Namahagi din ng agrivet supplies, 12 na sako ng bigas at mga kagamitan para sa paggawa ng mga street foods. Lahat ng ito ay kanilang magagamit sa pagtatayo ng kanikanilang negosyo.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga FR sa pamahalaan sa bukas palad na pag tanggap sa kanila ng gobyerno at sa pagkakataon na makaranas ng mapayapa at masaganang buhay kasama ang kanilang pamilya.

Nagpapasalamat naman si Lt. Col. Betinol sa ibat-ibang ahensya ng gobyerno lalo na ang DOLE at sa opisina ni Senator Ronald “Bato” De La Rosa sa patuloy napag sulong ng mga programa at inisyatibo para sa mga FRs na makaka tulong sa kanilang dahan-dahan na pagbabago bilang isang produktibo at maaasahang miyembro ng ating komunidad.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe