Patay ang nasa apat na miyembro ng New People’s Army sa isang engkwentro ng 43rd Infantry “We Search” Battalion ng 8th Infantry “Stormtroopers” Division, Philippine Army sa Barangay Mabini, Catarman, Northern Samar nitong Mayo 28, 2023.
Batay sa impormasyong inilahad ng 8th ID (Philippine Army) tumagal ng halos 15 minuto ang palitan ng putok sa pagitan ng militar at mga rebelde na pinaniniwalaang miyembro ng Sub-Regional Guerilla Unit (SRGU), Sub-Regional Committee (SRC) Emporium ng Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC).
Dagdag pa ng Philippine Army, hindi bababa sa 7 miyembro ng mga rebelde ang kanilang nakasagupa na pinamumunuan ni Mario Sevillano alias “Durok”, isang kilalang notoryos na lider na nagsasagawa umano ng extorsion sa naturang lugar.
Dahil sa impormasyong inilahad ng mga sibilyan sa naturang lugar ay naging matagumpay ang operasyon na naging daan sa pagkakarekober ng samu’t-saring armas tulad ng dalawang M16 rifles, dalawang cal.45 pistols, mga bala at magazines at mga personal na kagamitan.
Hinikayat naman ni Lieutenant Colonel Manuel B Degay Jr, ang mga nalalabing miyembro ng NPAs na sumuko na at magbalik loob na sa pamahalaan.
“Furthermore, from the traces of blood that were observed in the encounter site, and the items left behind, it cannot be denied that there were NPA members who were wounded in the encounter,” pahayag ni Lt Col Degay nitong Miyerkules, Mayo 31, 2023.
Nagpaabot naman ng kanyang pakikiramay sa pamilya ng mga napatay na rebelde si JTF Storm and 8th Infantry Division Commander Major General Camilo Z. Ligayo:
“It is tragic that they have taken arms against the Filipino people. Had they heeded our call, this tragedy will not happen to them, and their families will not mourn their loss. It is really sad to see parents claiming the bodies of their sons and daughters”.