Sunday, October 6, 2024

HomeNewsPhp700K na halaga ng pekeng sigarilyo, nasabat sa Danao City

Php700K na halaga ng pekeng sigarilyo, nasabat sa Danao City

Umabot sa Php700,00 na halaga ng pekeng sigarilyo ang nakumpiska ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group in Central Visayas (CIDG 7) sa Barangay Looc, Danao City, hilagang Cebu, alas-7:30 ng gabi noong Martes, Mayo 30, 2023.

Arestado din sa raid ang may-ari ng mga pekeng produkto na si Fernando Gonzales Beduya, 59,

Kasama ang mga kinatawan mula sa BIR revenue 13 at Philip Morris Fortune Tobacco Company, isinagawa ng CIDG 7 ang buy-bust na humantong sa pagkakakumpiska ng mga sigarilyong nakabalot sa mga karton na may tatak, kabilang ang Marlboro, Mighty Green, at King Red, na umabot sa Php700, 000.

Ang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10643 o ang Graphic Health Warning Act, at RA 8293, ang Intellectual Property Code.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe