Sunday, November 24, 2024

HomeNewsPatakaran sa tulong para sa mga Senior Citizen, aamyendahan ng Cordova

Patakaran sa tulong para sa mga Senior Citizen, aamyendahan ng Cordova

Aamyendahan ng munisipalidad ng Cordova ang patakaran nito para sa tulong pinansyal ng mga senior citizen dahil sa pangamba na ang mga tao ay magparehistro bilang mga residente ng bayan para lamang umani ng mga benepisyo ng tulong.

Nagpahayag ng pagkabahala si Cordova Mayor Cesar “Didoy” Suan na baka tuluyang maubusan ng pondo ang bayan kung hindi sila magpapatupad ng regulating policy.

Nagbibigay ang bayan ng P500 kada buwan na cash assistance sa mga senior citizen na hindi kasama bilang benepisyaryo ng social pension ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon sa bagong patakaran, ang mga benepisyaryo ay dapat nakaboto sa bayan kahit isang beses para makatanggap ng tulong pinansyal at mabigyan ng senior citizen’s ID ng bayan.

“So kung halimbawa ang taga ibang lugar, ari magpalista kay ari mokuha ug pension, dili kaabtan ug usa ka tuig mahudtan dayon ta ug kwarta kay ato man gigahin para doon kahit dili taga atoa,” saad ni Suan noong Lunes, May 29, 2023.

Dagdag pa ng alkalde, uunahin ang mga senior citizen na tubong bayan sa pamamahagi ng cash aid.

Ang tulong pinansyal para sa mga senior citizen ay sinimulan sa bayan noong 2022.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe