Tatlong malalaking proyektong imprastraktura ang nakatakdang itatayo sa Cebu ayon sa mga opisyal ng Department of Public Works and Highways Central Office.
Ito ang ikaapat na tulay ng Mactan-Cebu na nagkakahalaga ng P76 bilyon, Mandaue-Consolacion-Liloan coastal road na nagkakahalaga ng P31 bilyon at ang Lapu-Lapu coastal road.
Ang mga opisyal ng DPWH na pinamumunuan ni Project Manager Benjamin Bautista ay nakipagpulong kay Gobernador Gwendolyn Garcia sa Kapitolyo noong Miyerkules, Mayo 17, upang pag-usapan ang mga proyekto.
“Meron na po tayong detailed engineering design ngayon at kumpletuhin po natin ang procurement process this year,” ayon sa pahayag ni Bautista at ipinost sa Facebook page ni Davide.
Inihayag ni Bautista na ang mga gawain sa ikaapat na tulay ng Mactan ay nakatakdang magsimula sa susunod na taon at matatapos sa 2028.
Ang tulay na may span na 3.34 kilometro ay magdurugtong sa Mandaue City malapit sa Cansaga Bay bridge hanggang sa Barangay Ibo sa Lapu-Lapu City.
Ang pagtatayo ng tulay ay babayaran ng pautang mula sa Official Development Assistance program ng Japanese government.
Ang feasibility study para sa 10.6-kilometrong Mandaue-Consolacion-Liloan bypass road ay ginawa na ng Korean company na DOWHA Co. Ltd.
Ang proyekto ay popondohan ng gobyerno ng South Korea.