Friday, November 22, 2024

HomeGobernador ng Eastern Samar, nanawagang pangalagaan ang mga karagatan bilang pinagkukunan ng...

Gobernador ng Eastern Samar, nanawagang pangalagaan ang mga karagatan bilang pinagkukunan ng pagkain at kabuhayan

Naging matagumpay ang pagdaraos ng Province-wide coastal clean-up drive sa lalawigan ng Eastern Samar nitong Martes, May 9, 2023.

Ang naturang aktibidad ay inisyatibo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Eastern Samar sa pangunguna ni Governor Ben P. Evardone bilang suporta at pagsunod sa Presidential Proclamation No. 57 series of 1999 kung saan ideneklara ang buwan ng Mayo bilang Ocean Month.

Sa kanyang mensahe, nanawagan ang Gobernador na dapat bigyan pansin, kahalagahan at importansya ang karagatan ng Eastern Samar bilang pangunahing pinagkukunan ng pagkain at kabuhayan ng bawat Estehanon.

Kaugnay dito, inilunsad din ng Provincial Government ng Eastern Samar ang Project KLEAN o Kalikasan Linisin Estehanon Aksyon Na! kung saan hinihikayat nito ang bawat residente na makiisa sa layuning linisin ang mga dalampasigan at karagatan kung saan bawat makokolektang basura ay may kapalit na bigas.

Samantala, nakiisa naman ang lahat ng bayan sa Eastern Samar kung saan nilahukan ito ng mga opisyal ng LGUs, mga ahensya ng gobyerno at mga civic organizations sa bawat bayan.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe